pakisagot nga
tutal naman minsan lng sa isang Full Moon akong makapag post, lulubuslubusin ko na…
may mga tanong lng naman ako…yun lng.Baka may sagot kayo jan…
1.Bakit ang Cowgirl or Cowboy, sa kabayo sumasakay??..bakit hindi sa cow?
2.Bakit kaya tayo ang kelangan magbayad ng tuition sa skul tapos tayo pa gagawa ng grades natin? Nagbayad ka na nga, nagpapakahirap ka pa….?????
3.Bakit ang kape ay kulay black? At ang gatas ay puti?
4.Kelangan ba talagang hindi pwedeng malungkot pag masaya ka?…Di ba pwedeng malungkot tapos masaya ka talaga?
5. Bakit ka naghihikab pag inaantok o di kaya bagong gising…di ba pwedeng walang ganun pag bagong gising o di kaya’s inaantok???
kung may maisagot kayo…paki share…bahala na…pwedeng scientific, historical or abnormal ang sagot nyo ..basta pakilinaw lng…tnx!….
Filed under: Uncategorized | 1 Comment
Napadaan Lng…
haha..parang comment no?
napadaan lng talga ako…nangiginig ang mga daliri ko habang nagtatype (epilepsy???!!!)..hehehe..indi ah.Naninibago lng siguro’t ngayon lng ulit nakatuntung sa bahay ko…
Natatawa nlng ako sa mga ideyang nais kong isulat dito…kaso, pinili kong sarilinin nlng o di kaya’y i-chismis sa mga ka officemates at classmates or crushmates ko…wahehehe…
naisip ko, mas madaling magsalita kesa magtype eh…mas mabilis pah!
pero kung sa mga natatagong damdamin, syempre, wala ng tatalo sa pagsusulat…kaya kahit anong mangyari, hindi ko idedelete ang blog kong to…
ayokong lamunin ang isinuka ko…kaya para wala akong lamunin ulit, wala akong isusuka..hahaha…
walang kwenta nga para sa iba, pero di nila alam ang ligayang naidudulot ng bawat pindot ng keyboard at bawat letrang tumatatak sa screen ng mga post na gawa natin…
hindi nila alam bawat tuldok, letra at emosyon ng bawat salita ay bahagi ng ating pagkatao’t kaluluwa…
CHAR, panunumpa ba ito?…
hehehe, miss ko talaga ang magdrama dito…
hanggang sa muli!!!!God Bless!!
Filed under: Kung walang magawa | 1 Comment
MisLeading
Babae: Akala ko gusto na nya ko kasi lagi kaming magkasama.Ang lambing-lambing nya sa akin.Ang bait-bait nya sa akin.Tapos gusto nya pa, lagi kaming magkasabay sa lunch.Sinabi nya pa sa akin nung minsang di kami masyado nagkita sa loob ng ISANG ARAW, “na-miss kita sobra!!”.Madalas nya din akong sinasabayan pauwi.Sabi nga ng mga friends ko, parang ‘kami’ na.Sa isip ko naman, winiwish ko din ‘yun.At bago ko pa malaman, nahulog na pala ang loob ko sa kanya.Pero tinatago ko lng kasi baka sabihin nya, minimis-interpret ko lng mga kabutihan nya sa akin.Bakit naman kasi kelangan nyang maging ganun kabait sa akin? Bakit hindi sya ganun sa ibang babae, sa aking lng?..O sa isip ko lng talaga, na ako lng ang ginagawan nya ng ganun.Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong isipin, gawin o maramdaman. Bakit ba ang mga babae, madaling mahulog sa mga ganun gestures ng mga lalaki?
Lalaki: kasalanan ko bang naging mabait lng ako sa kanya??I like her but not the way shes thinking.Mabait ako sa kanya kasi mabait din sya sa akin.Wala akong intensyong paglaruan sya o kung anuman.Kasalanan ko ba kung na misinterpret nya yon.Ako pa tong gumagawa ng kabutihan, ako pa lumalabas ng masama.
Babae: Eh bakit, pagnanliligaw kayo di ba ganun ang ginagawa nyo?! So di nyo kami masisi kung ganun ang pagkaintindi namin sa mga pinagagagawa nyo!!!Namimislead nyo kami.
Lalaki:Oo nga, pero iba yung nanliligaw kami noh.
Babae:Paano namin mapapansin ang kaibahan e pareho-pareho lng naman.Kung pilit dedmahin ng mga nililigawan nyo ang panliligaw moves nyo kasi akala nya “part of being friendly” nyo lng yon.Ano?! sasabihin nyo na naman “MANHID” kaming mga babae kasi di namin kagad naintindihan na nanliligaw kayo.Pano nalng kung gusto pala kayo ng mga nililigawan nyo, eh di naudlot ang sanay..happy-ending love story nyo.
Hindi kami manghuhula para mahulaan kagad ang mga motibo nyo!
Lalaki: hoi, kala nyo kayo lng nagiging ganyan. Eh kayo, pag nagiging masyadong mabait din kayo sa amin, feeling nyo ba di din kami nag-iisip ng mga posibilidad? Akala nyo kayo lng natatakot magmisinterpret???KAMI DIN KAYA. Kaya nga kami nikikipagkaibigan muna bago manligaw eh.Para alam naming kung safe ba..o may pag-asa kaya kami. Masakit din kaya mabasted!Hellow!
Babae: Bakit kasi di nyo nlng sabihin sa umpisa pa lng, para di na mailto ang mga babae? At nang magkaalaman na para wala nang masaktan.
Lalaki: Pag ginawa naming yon, sasabihin nyo masyado kaming presko. At Walang manners kasi direcho agad panliligaw, di dumadaan sa friendship.Ang dami nyo kasing arte.Masyado kayong pakipot.
Babae: hoi, sinasabi kaya naming kung may pag-asa kayo o wala.Basta’t kinaklaro nyo kung anong motibo nyo.At nang di na kami malito at umasa.
Lalaki:At nagsalita kayo.Kayo na malakas magpaasa sa amin Kayo na kahit di nyo kami talaga gusto,hindi nyo sinasabi dahil gusto nyong may sunud-sunuran sa inyo.Gusto nyo ng alila.
Babae:Dapat maramdaman nyo yon.Manhid kayo kung di nyo ma-gets na pinaglalaruan na pala kayo.
Lalaki.So ngayon, kami na tong manhid.
Babae:Oo, malakas manakit ng damdamin, pinapaiyak nyo kami palagi.
Lalaki:Buti nga kayo, pwede nyo maiyak yung mga hinanakit nyo.Kami, kadalasan, dinadaan lng sa tagay.May tendency pa nga kaming magpakamatay dahil di namin kayang iiyak ang sakit na dinulot nyo!
Babae: May mga babae ding nagpapakamatay noh.Lalo na’t ubos na ang luha namin, samantalang ang sakit nandyan parin.
Lalaki: O so quits lng tayo.
Babae:Ewan.
And that ends the debate. Wala na akong maidudugtong.Kita nyo naman, misinterpretation to suicidal stage ang naging pattern ng post na to.Pag pinagpatuloy ko pa, baka masyadong far out na at baka humantong pa sa kabilang buhay.Pwede nyo ring ipagpatuloy kung gusto nyo…^_^
Filed under: Uncategorized | 6 Comments
di ko pala kaya
tapos VL ko …ang inakala kong unapproved VL, ay approved VL pala. (eh so ano ngayon?)
Wla lng.Kasi matagal na ring gumugulo sa isip kung mag reresign ba ako this December or Hindi.Siguro sa 3-day VL ko plus 2-day RD, pini-pray ko na sana, Mapag-isipan ko talaga.
Magreresign ba talaga ako o hindi.Try nga natin i-weigh.
Kung “Oo”.
Advantages ng “OO”.
Mas magiging concentrate ako sa pag-aaral ko.
Tapos yung mga schedules na sana ay dapat kunin, kung di lang sa may trabaho ako, makukuha ko na.Mapapadali ang pag-aaral ko.
Plus, I will get to meet more friends cguro.
More time for them, for the family, for other commitments, for myself.
Hindi na double-stressed.Kasi if i say “I’m stressed”, at least, skul na cguro ang pinaka-Major na dahilan nun (hindi kasama ang trabaho sa hit list ng mga stresses ko sa buhay.I will get a hold of my “TIME”.
More DVD shows!!!! Wohooo!!!
More time to reflect on my future.Kung talaga bang gusto ko maging “call center person” for the rest of my life. Do i see myself building a career in this company??Sabi nga ni Bianca “..well, maybe in the future who knows, but now i realized i’m too young to be working this hard for something i’m not even sure i wanna spend the rest of my life doing. so there. a one-week break did me good….” ganun ang nararamdaman ko ngayon kasi.Looking back on the time that I applied. I don’t remember telling myself, that I have to be here because I wanna hurry things up or Because i “JUST WANT” to work.What I remembered was I “NEED” to have a job as soon as possible bago kami malunod sa utang.After all, I can go back to school whenever I want, after I see things are being stable.The reason was merely “:FOR SURVIVAL”.There.Nakita ko na rin ang rason.Should I say, naala ko na rin.
Disadvantagesng OO:
Wala nang computer at wala nang libreng internet access.OO wala kaming computer sa bahay.kaya, I have to go back to the days na nakikipag-agawan ako ng PC sa internet cafe.
I have to say “goodbye” AGAIN.For how many times na? Di ko na maalala kung ilang beses akong may iniiwan.I guess, lahat naman cguro tau may kailangan iwanan, for us to move on.You can’t go somewhere if you won’t leave your current disposition.Aside from leaving the place, you also choose to leave the people there.Though, there are a lot of possibilities in this small world na you’ll meet again somewhere and communication is still possible pa rin…pero you won’t be TOGETHER as frequently as you used to.
Wala akong sariling income.OO, wala na akong sweldo.Aasa na muna ko sa Ate ko, na syang may trabaho that time.Bale, vice versa kami ng situation.Kung anung sitwasyon ko noon nung nag-aaral pa sya at ako ang nagtatrabaho, ito ang magiging papel nya ngayon.Give and Take ika nga.Pero ayoko mangyari sa kanya ang hirap na maging “Breadwinner”.Hindi madali.Cguro kukuha nlng ako ng mga part time jobs noh.Pero ganun pa rin.Wala pa ring sariling income.Nyahaha.
Wala ng libreng “LAKWACHA”.Lakwacha ang term sa mga teambuildings and parties namin.Syempre, you got to go to places na hindi mo mararating without having thousands on you hand.Pag nasa trabaho ka, ayun, kahit wala kang pera, nararating mo yun kasi “COMPANY BENEFITS” yun eh.Tsk, mababawasan ang pwede kong maipagmamayabang sa friendster.Hehe.
No pictures, no more.Oo, wala nang libreng camera.It happened that I work sa isang account kung saan pinapayagang kang gumamit ng digital camera hanggang magsawa ka sa sarili mo.hehe.(camwhore???)
Hindi.
Advantages ng Hindi:
Mararamdaman ko na din sa wakas ang sweldo ko.Kasi si Ate na ang magbabayad ng renta plus pang-araw-araw ng gastusin sa buhay.O kung hindi man, may makakatulong nako sa mga bills.Gagaan na din ang load of “DAPAT BAYARAN” burden ko.
Meron pa ba?? Ahmm, yung mga opposite ng Disadvantages sa taas.Yun na cguro yun.
Disadvantages: Baliktarin mo yung “Advantages” sa taas.
…after having this assessment, Nakita ko, What i really need is TIME.to see things, the way, a “20-year-old” should see it (o0, 20 nako nung July 5).Maybe i was hurrying things too much na I forgot how to feel that I’m STILL 20.Hindi pa ko kwarenta.Its not that I want to play around. Its..living my life to the fullest in each year.FULLEST means, experiencing things….especially those that will pull me out of my comfort zone.Especially now that it is safe.Kasi there will be someone who will back up the family finances in the person of my Ate.I won’t add up to the burden coz I’ll pray for a part-time job or scholarship that will not make her pay for “HEAVY” college tuitions.
Time.I can’t have it if I go to 9-hour work after the 8-hour school.Look how many hours left in the 24 hours???!! Paano ko magagawa ang gusto slash kelangan kong gawin kung ganyan kaliit ang oras na natitira.Di pa kasama jan ang byahe (na kumakain ng isang oras bawat byahe), kain (minuto nlng), tulog (minuto nlng instead of oras), bihis(seconds??..hehhe).
you really can’t have it at the same time.Sabi ko pa sa manager ko noon, if there would be a schedule na would allow me to balance work and school, i would take it so that i wouldn’t have to choose one.
Pero hindi pla talaga possible.Sa buhay, kelangan mo talaga pumili…ng isa.I also want to have the feeling of finishing whatever unfinished business that I have before going to the next business.Taking one at a time lng.Slowly but surely.Kesa pagsabaysabayin ko lahat tapos, wala kwenta ang resulta.
Natapos ang VL ko, in turns out, wala pa rin akong nagawang desisyon kasi hindi ako nakapag-isip ng mabuti.Prelim exam kasi.Kainis.
Filed under: OKRAYAN portion, Senti Habits | 5 Comments
drained and charged…BLESSING
drained- sa tagalog, “walang tulog” o pwede ring “sabog”.Thursday afternoon, I went to the “mananahi” para magpatahi ng uniform for Monday. (yeah, i know…bakit ngayon lng akong nagpatahi ng uniform kung kelangan talgang short na sa oras.)…ganun talga cguro ako..i like doing this na alanganin na sa oras like sleeping at the “SILENT ROOM” ng company because 2:00 am is very dangerous to go home, even if you’re riding a taxi.So i slept there.Waking up at 6:00 am to go home (which takes one hour travel)..plus kakain ng breakfast and “shortcut” ligo then, dress up for my first class which is on 8:30 am…huwaatt???? yes, I came in 30 minutes after that “scheduled time”…luckily, wala yung teacher, may tigdas daw.Heheheh.SAVED.
That same Thursday afternoon, supposed to be matutulog na ako sa bahay coz I have to charge myself for 5:00 pm til 2:00 am work.(ROBOT??? matagal na..)..POOR is the right term.heheh.pero masaya na malungkot din.Ewan, bastah.And just because all BA’s (business ad course ako..hehe..kahit hindi business minded)..have to attend a GENERAL ASSEMBLY for 50 points in Business Math (Math 110)…cge ng nga, attend ako.Well, wala ako masyadong narinig kaso yung speaker nila sa GYM hindi umaabot si kinaauupuan ko ..pinakalikod kaya ako.Sinadya ko yun, para ako ang mauunang lumabas.And besides, wala ako masyadong kakilala so i chose to stay beside a classmate in Math and Accounting.Thanks Airene, for reserving the seat for me.nyehehe.What did i get from that assembly????Aside from knowing some of the faculties and how beneficial the courses are, nothing very interesting really (though others may find it interesting).I just sawsome elementary classmates that i never thought would be on the same school.Reah ( the loud one), Bryan (the fat one) and Frederick (we call him “prikitik”).And Don (the guy who told me he had crush on me when we were in elementary)…we were classmates pala in Math.Suddenly, i forget people who used to be around me sa sami ng mga pinagdaanan ko sa buhay.School.work.family.friends.all mixed up in one hell time.Pero, of course, you can’t have them all in just one day (aside from the work and school,.hhehe).Maybe ..a week may do.
Sa tingin ko, hindi na rin normal para sa akin ang PURE school or PURE work.It has to be both in one day.It has become my ’system’ for long years. I know, I cant be like this forever.Naisip ko lng, I need to choose JUST one.Maybe I need a break.Not “maybe”. I REALLY need a break.Kaya I decided to apply VL kahit malabong ma-approve.Haayy.Sana ma.aprub talaga sya para naman magkaroon ako ng sapat na panahong isipin ang mga bagay-bagay , at makapagdesisyon ng tama…para di ako magsisisi sa huli.Kasi sa totoo lng, maraming mga rason kung bakit gusto kong tumigil sa trabaho at sing rami rin ng rasong yun ang dahilan kung bakit kelangan kong manatili. *DEEEEEPPPPP SIGH*
“Yan, na-approve yung VL mo for this July” sabi ng Bisor ko.No questions ask, tumango lng ako at pinagpatuloy ang trabaho ko.Pero gusto kong maiyak.Gusto kong isipin anong nagawa ko to deserve this blessing.Naiiyak na ko sa work station ko.Kaya lumabas ako.Kinuha ko ang cellphone ko sa locker…”1 message received”.From my sister.
“Yan, natanggap na ako bilang Assistant Manager trainee for Jollibee Global.My training will start 2nd week of July.Kaya lng I have to go to Manila for that one, I have to leave.Tsk, pero ok na rin di ba?”…
i noticed, sobrang lumuluha na pala ako.Di ako umabot sa CR.Ang daming nagfile ng VL ahead of me tapos kasali ako sa mga na-approved and my sister……*hagulhol*
Thank you God for so much blessing inspite of the things that I have done.I really feel like I dont deserve these.Sometimes, I really couldn’t understand Your ways.But now, I do.I really do.Most of time, I do a lot of murmurings before I truly see the path You prepared for me.
Next time, I pray that You will give me more strength to go on even when I can’t comprehend why things are happening NOT the way I want.Because that’s what its supposed to be.Not my way, but Yours.Help me to just have the patience to follow You, so that I will reach the point where You will finally let me understand everything.Help me to Trust You more.
Minsan nagiging OA ka tlaga pag nakikita mong sooobraanngg sama mo para pagbiyan ka sa mga hinihingi mo.Hindi mo na inaasahan dahil feeling mo, parang malabo na.Kasi ganun ka din sa ibang tao.You never give chances.Buti nlng iba si God, buti nlng talaga hindi Sya naging tulad natin na makasarili.He always give chances and blessings to us, despite the BIG fact that we don’t deserve it.Well, God is truly amazing not just in good things like these but also when things really get tough.
I hope you realize that too.If you do, thank Him and be a Blessing to others.Because that’s the reason why He did it to you.
Filed under: Uncategorized | 4 Comments
Unsent Email to Plika
Kasi miss na din kita…sobrah..haha
Tsaka…cge na nga.. ang totoo talaga .i really am feeling lonely these days..its killing meh…as in..it sucks talaga..yung feeling na you don’t have friends at school coz your a newbie plus mahirap pa yung accounting subject naman at wala kang kakilalang tutulong sayo..nakakabaliw…etsetera etsetera..feeling ko I’m not really connected with anyone else…ewan..
pero we’re not gonna talk about it cguro…wla lng..lakwatsa lng tayo..like good ol’times…i just need to feel connected cguro…hahay…this is weird…
i think i need a break..pero wala…di nman na-a-approve yung mga VL’s (vacation leaves)na inaapplyan ko…
Filed under: Uncategorized | 4 Comments
Gusto ko magblog ngayon.Kakabasa ko lng sa blog ni Bianca Gonzalez.Nainspire ako nung nabasa ko ang mga earlier posts nya, mga 2003 archives ata yun.Nalaman kong may pagkakapareho ang buhay ko ngayon sa buhay nya noon.School and work.Kaibahan nga lng, graduate na sya ngayon.Ako??? I still have a long way to go pa.Nabasa ko ang talks and rants nya about thesis and all the HASSLEDECKIES stuffs sa buhay ng isang working student.Stressed out ganun.Feel ko na din tuloy magsabwag ng aking sariling rants dito.After all, blog ko din naman to.Benepisyo ko ang paglabas ng aking mga gustong isawalat at kung anu pang kaututung-dila ang gusto kong gawin.Wa ko care kung sabihin man nila na “gimmick” ko lng ang sinasabi kong “Huling Katha” ek-ek post ko.Sabi ko nga diba, maari akong bumalik, maaring hindi.Saka..hmp, paki nila kung bumalik ako.Eh sa wala akong magawa ngayon eh.As if , mamamatay sila kung bumalik ako sa pagbablogging ko.Tsaka, blogging naman is not everything for me.I can live without it.Infairness naman, di ko ginagawa for the sake lng na may bumasa.In the first place, I never decided to have a blog because I want someone to read my posts…the one and only purpose of my blog is to have an outlet sa lahat ng mga gusto kong sabihin.Wlang dapat magsabi sa akin, na ngayon araw na ito, dapat may post ka sa blog mo.Ganito ang sulatin mo.Etsetera.
In MY world, where everything tumbles upside down and you have no idea how i can still describe life as “wonderful” despite of everything (totality na yun sa lahat ng mga kamalasan, kadramahan, at lahat ng ka-ek-ekan ko sa buhay)….kelangan ko ng outlet sa cyberspace.
Ang pangangailangan na to ay hindi “PRIMARY” para sa kin. After all, i lived a life without blogging from the day i was born till the day after i found out that Maldito has a wordpress and i decided to have one too.Wla lng.Gusto ko lng talaga magsulat.O diba, nagrant nako.hehe.
SCHOOOLLLL—Di katulad ng sinulat ni Bianca, Wala pa akong thesis ngayon.Pero i know i will have it soon and by that time, cguro, i will totally understand the situation she was in.So far, the only subject that ‘I think’ might stress me out soon (mga midterm pa cguro, kakastart pa lng kasi ng klase), is my ACCOUNTING 014, Partnership and Corporation Accounting. Hello??? One and a half year (with ’s’ ba dapat o wala??) kaya ako nagstop.Maalala ko pa kaya ang Basics ng ACCOUNTING 1 ko??? May gulay!! nangamote ako sa mga terms na ginamit nila kanina.Di ko alam kung saan nanggaling ang FVM sa dalawang cash na capital na dapat i-de-debit sa account.’FIRE MARKET VALUE’ daw ang ibig sabihin nun sabi ng classmate ko.huh? bakit di ko maalalang natutunan ko yan nun sa accounting one ko?? ano bang ginawa ko sa accounting 1 at nkagrade ako ng 1.4 (1.0 being the highest yan ah).naks.Pero seryoso, tingin ko kelangan akong bumalik sa basics para pumasa ako sa subject na too.Balita ko pa, ang instructor namin ngayon ay may habit na mag-exam in advance before discussing the topic.Anong katangahan yun??? Pano naman kami papasa nun kung mag-eexam sya ng topic na di pa namin na discuss.Hahayz.On the other side, MWF subjects makes me feel comfy.Lahat ng kasama ko, puro mga freshmen ata.Kung di naman, transferrees (like me) o di kaya returnee.Astig no, may kakampi ako.hehe.Talking about pressure sa school??? Wla pa masyado.
LONELINESS—ganito daw talaga pag bago ka pa sa school at di ka masyadong nagsi-stay dun.Wala kang CROWD or so-called, ‘CIRCLE OF FRIENDS’. (bakit circle, di ba pwede square or triangle nlng???).Meron naman akong nakakausap every now and then sa mga classmates ko kaya lng di naman kami masyadong magkakilala.Civil lng, ganun.Kasi klasmeyts kami, ganun.Pero di naman malaking bagay sakin yun. I can handle the whole day without talking to anyone else at school or suffer the whole day having people who look at me like I am so snubbish.Ok lng.KEVER.On the second thought, I NEED FRIENDS.Di ako ‘robot’ na kayang tumunganga ng hindi pumipikit buong maghapon. i need somewan to talk to, especially sa “chikadorang” katulad ko.Hindi ako mapapalagay hangga’t wala akong kausap sa klase.
“wag mong madaliin, bawat estudyante dumadaan jan.in the first place, you never came back to school mainly for that reason.Though, we may consider it as a second option”…sinong may sabi nito at makikita nya! pasasalamatan ko sya.Heheh.Di ko masabi kong sino kasi sa totoo lng, para narinig ko lng talga sya somewhere down the road eh.So far naman, may nakikirelate na din sa kin lately, kaya nakikinita kong magkakaroon din ako ng “rectangle of friends”.Ayaw ko nga ng Circle eh.
WORK (eto na naman tayo)—magmula nung itinapon ulit ako sa phone support, hindi na ako pumasok bilang isa sa mga TOP AGENTS ‘kuno’.eherm eherm.Hehe.Di tulad last year, napapasok talaga ko, kahit nasa buntot lng.Namiss ko yun.Pero ok lng, trabaho naman to eh.Iba kasi ang phone sa email.Mahirap mag maintain ng schedule compliance mo lalo’t may pumasok ng tawag sa oras na supposed to be, break mo na.Mahirap din kasi makipag-usap sa mga taong mahirap maka-intindi.Yun lng naman ang tanging reklamo naming mga callboys and girls eh.Yun lng din cguro ang problema sa mundo.PAGKAKAINTINDIHAN.At bakit dito napunta ang usapan??? Ewan.
Hindi ko na rin maintindihan ang estado ng trabaho ko ngayon.Nalilito ako kung mag-aaply ba ako sa isang higher position na vacant ngayon.Naisip ko kasi kung ako ang HR personnel, hindi ko pipiliin ang may ibang priorities at estudyanteng katulad ko.Since magiging officer ka na sa inaaplyang position, kelang mong i-devote ang oras mo kapag may mga meetings.Paano nlng kung URgent?? tapos may klase ako? i dont want the company to suffer just because i have the characteristics but cannot live up to their expectations.Alangan naman i-adjust nila ang meeting para lang sa akin.Utot.
Gusto kong mag-advance na kasi ayokong mastagnant sa pagiging agent forever.Gusto ko ding mag-grow eh.The very reason is, I just want to get out of someone else’s dominating power.Masyadong irritating ang mga taong OA sa pagka OC.Kung teammate kita, kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.Kasi lahat tayo gumiginhawa ang trabaho pag wala ang taong yun.Though i must admit that SHE is good in targetting what your weaknesses are and helping you overcome and make it your strength.Ang ayoko lng, is that she keeps on PUSHING and SUFFOCATING everyone of us in the team.I know we need to do what we need to do, pero, who would want to do it if you feel like your doing it BY FORCE? Kasi iniisip mo, kelangan mong gawin to kasi baka magalit na naman sya.baka memo na naman.baka ganito na naman.She’s not forcing us to do this, but we have to because this is work and she is she.My point is, sana we can work our job out of gratitude for the one whos leading kasi she’s been very good at adjusting to our weaknesses and waits for the exact time na nagdevelop kami.Ganun sana.Mahirap talga mairelate yung sarili mo kung buong buhay mo ay loner ka.You’re not open to having fun.Ang fun para sayo ay work pa rin.Naaahhh.Yun lng talaga yung rants ko sa work.SYA. She doesn’t know how to consider, or to exempt ang situation na dapat talagang i-excuse.kasi para sa kanya, binabayaran kami dito.Yeah, the company is great but not SHE.(Tama ba ang grammar?)Pero of course, I still manage to maintaing my status dito kasi naisip ko I’m not doing it for her.I’m doing this kasi investment ko to in the future.para sa sarili ko to.For learning and experience.Yun lng.Good thing na rin na anjan sya.May sense of discipline na nadevelop within me, kahit sobrang umaapaw na talaga ang ka OC-han nya sa buhay.Hahay.
WORK and SCHOOL..SOULSEARCHING….tanong,tanong, tanong?
Minsan,npapatunganga ako.Napapaisip.Ito ba talga ang gusto kong buhay?Ang mag-aral at magtrabaho at the same time.Sa isip ko lng, hindi.Pero ganun ang nangyari, kasi kelangan.Panu kong, nangyaring isang normal na studyante ako.Walang trabaho, walang inaalalang gastusin sa bahay,dependent lng sa magulang for all the finances.as in. wala talagang worries.Ang tanging alalahanin lng sa buhay ay ang pag-aaral at paano makapagtapos.
Panu kung ganun ang nangyari?? Magkakaroon kaya ng sense of responsibility and independence na katulad ng meron ako ngayon.Mago-grow (though not physically) kaya ako as a person tulad ngayon??? Malalaman ko kaya ang mga nalalaman ko ngayon?? Magkakaroon kaya ako ng goal ng katulad ngayon?
o magiging katulad ako ng karamihan sa mga estudyante nag-aaral lng dahil may baon at panglakwatsa.Good thing is, they keep communicating with their friends, hanging around ..hay, good times.Wla na ata ako nyan ngayon.Marami akong friends kaso, karamihan sa kanila, di ko na nakikita.Di na rin makatext kasi walang panahon, magreply.Seasonal lng talga ako kung makibalita.Kung kelan free ako the whole day, dun ko magagawa ang mga gusto kong gawin.Kung kelan ako free, saka naman busy ang mga taong gusto kong kausapin.And by the time, na magkakausap na kami, di na masyadong nagkakarelate-tan kasi wala na masyadong mapag-uusapan sa tagal na hindi nagkita.Hahayz.Imphortant ang friends ko sa buhay.Pero alam ko, they feel na parang binabalewala ko sila sa twing hindi ako nageexert ng effort to be with them.I HAVE A LOT OF PRIORITIES IN LIFE.kelan kaya matatapos to.kelan kaya mafufulfill lahat-lahat ng yon.At pag tapos na kaya ako sa lahat-lahat ng dapat kong gawin, may mga friends pa kayang makakakonek sa mga bagay bagay na napagdaanan ko.Im sure meron.Pero di ko alam kung hanggang kelan sila nanjan.True friends will be there till the end.Oo, alam ko.Eh ako, andun ba ko nung kelangan nila ako.Kinda selfish no??? Pero yung selfishness na yun ay hindi rin para sa akin.O kung para sa akin man, hindi ko naman naii-share.Nalilito na nga din ako.
May mga panahong gusto kong itigil ang mundo at gawin ang lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko.Minsan, nararamdaman ko, di dapat ko nandito eh.Dapat namamasyal ako kasama nga mga katropa ko, dapat nasa curricular activities ako school tulad ng dati.Dapat, di ako nagtatrabaho.Dapat, ganito at ganyan.After all, buhay ko to.I have the right to choose my own way.Pathetic.
After i think of those things,ano kaya ang labas ko kung yun lng the whole lifetime ang gawin ko.Pag namatay ako, ano ang halaga ng naging buhay ko??? Heheh.Suddenly, I want to go out of this office, magpaload at magtext like crazy sa mga friends ko to have fun.O mag log on sa friendster o di kaya sa chat, kunin ang mga numbers ng friends ko, makipagkita.Hay.I guess everything does not happen your own way.Pag ganun, Ialways feel like I AM THE ONLY PERSON IN THE WHOLE UNIVERSE THAT HAS SUCH A BURDEN.kadalasan, ganun ako.Nakakainis.Pero kelangan kong aminin na naging ganun ako so that i can recover.Kelangan kong isipin na kung mabigat ang dinadala kong problema ngayon o matatawag na“responsibilidad”, may mga taong mas malala pa kesa sa kin.Yung mga taong nagkakaproblema dahil sa sarili nilang kalokohan, yung mga taong namatayan, yung mga taong papatayin este, may taning na sa buhay.Worst, yung mga taong walang nalalaman kasi walang pakialam.
After all, nasasabi ko, God really is wonderful.Kahit sa mga toughest deadly toughest situations, God is sooo Perfect in everything He do.So Artistic, so creative, so…MAGNIFICENT.Di mo man maiintindihan, pero, alam mo makakabuti para sayo.Sya lng ang nakakagawa nun.Everything boils down to Him talaga.He is the Potter, we are the clay, ika nga.
Buti nlng talga, may trabaho ako.Buti nlng talga, nag-aaral ako ngayon.In the future, when i look back, mas masasabi ko talga, buti nlng talga nakilala ko ang Diyos sa buhay ko. I will live this life and will die …for His Glory.
Peace.
Filed under: Uncategorized | 1 Comment
200 Petot might Cause a LiFe
Nawalan ako ng 200 petot.O mas tamang…NAIWALA ko ang aking 200 petot. Saka ko lng na realize nung kwentahin ko ang natitira kong pera at sa nagasto ko sa buong araw. Gusto ko magmura at magwala.I’m so depressed.Nakakainis talaga.Hindi ko alam kung nalaglag sya mula sa bulsa ko o namisplace ko lng sya.Kung anupaman yon, KATANGAHAN ang tawag dun.Tsk, para ko lng akong nagtapon ng isang kodigo sa exam.Arrrrggghhh!!!!
Para sa mga Poor Little trying hard call center agent at the same kolehiyalang katulad ko, parang isang milyon ang isang 200 petot.
Sa hirap ba naman ng buhay ngayon at sa mahal ng mga bilihin, ilang kilong NFA rice na ang nabili ng 200 petot? Makakabili na ko nun ng isang blouse o di kaya, isang pares ng tsinelas…Isang malaking CadBurry fruits n nuts chocolates….ilang kainan na yun kung ang budget ko sa bawat meal ay 50??? Ilang kainan ulit??? APAT!!! Bale isang araw na kainan plus meryenda. (imaginin nyo nlng kung gano ko kagahaman sa chibog….kita nyo namen puro pagkain lng ang binabanggit ko..hehehe).
Habang pilit kong iniisip ko san ko kaya posibleng nawala yun, nafrafrustrate lng ako lalo.Kasi kahit anong isip ang gawin ko, di ko talaga alam, at di ko na rin maibabalik yun.Ang swerte naman ng nakakita nun.Sana lng ginamit sa mabuting paraan ang nakakuha ng pinaghirapan kong pera.Waaaaahhhh!!! Gusto ko maiyak ng popcorn…o yung mas malala…maging pako ang mga luha ko.huhuhuhuh.Gusto ko sumigaw!!! gaw! gaw! gaw!
Pero mas minabuti kong dito na magwala sa blogosphere.Kung mapapahiya man ako, at least dito lng sa sarili kong mundo.Kelangan ko lng talaga syang ilabas.Mahirap na kung sa iba ko pa maibunton ang frustrations ko.Bad yun.At kung magpapahalata nlng akong kuripot, dito nlng.Ay hindi nga pala ako kuripot.Poor ako…POOORRRRR.
Oo, alam ko sasabihin mo.
“Sa susunod, wag ka na kasing tatanga-tanga! Anong silbi ng pitaka kung sa bulsa mo lng ilalagay ang pera…”
“Eh ano pang silbi ng bulsa kung walang lamang pera??? Kaya nga nilagyan ng bulsa ang mga damit para may mapaglalagyan ka ng coins..”
“So COINS lng pala ang tu handred pesos para sayo??? PAPEL yun.PERANG PAPEL. as in PAPER!”
Eh ano na nga?!!!
Magpapakamatay ba ko dahil lng naiwala ko ang 200 pesos ko???!!!!
UPDATE:
Hindi pala nawala ang 200…nagastos ko sya pambili ng ulam at kanin…nakalimutan kong kunin ang sukli…buti nlng tinawag ako ng tindera kanina ng sumaglit ako sa pantry namin at sinabing “Hoi, sukli mo nung isang araw…nakalimutan mo”…SEE??? ISA AKONG DAKILANG TANGA…buti nlng talaga may mga tinderang mabuti ang puso…at malakas ang memory!!! To melody (ang tindera sa pantry)….maraming salamat at wag kang mag-alala, gagawin kitang model ng Heart Vit dun sa kapitbahay naming pharmacy..ok ba yun??? ^_^
Filed under: Uncategorized | 2 Comments
Ayokong maramdaman ang feeling ng mga taong “loner”.Yun bang wala kang makausap o pinili mong wala kang kausapin.Hindi ako yung klase ng taong nagmumukmok lng sa isang tabi.O yung may mga sariling mundo.Yung kunwari,malalim ang iniisip, wala naman talgang laman ang utak kundi mga muni-muning wala masyadong kwenta. Hindi ko naman sinasabing hindi ko nararamdaman to o wala panahon na gusto kong gawin to o di kaya’y masama itong gawin.Wag lng talaga mangyari sa akin to….sa skwelahan.
Pero heto ako ngayon, nasa isang sulok.Tanging C2 appletea flavored ang kasama.Palagok-lagok,himas-himas.Kanina pa ko nauumay sa lasa nito eh.Pero, ito lng ang tanging dumamay sa akin sa lahat ng kasama ko sa table.Ito lng ang nakakarelate sa pag-iisang nararamdaman ko ngayon.
Ngayon ko lng ulit naranasan na may kasabay ka sa lunchbreak, mukha naman kayo magkaaway kasi di kayo nag-uusap.O di ka NILA kinakausap.Panu naman, di naman nila ako kilala, bakit nila ko kakausapin??? aber?? Nakishare nga lang ako dun, kasi gutom na gutom na ko tapos ala ng bakanteng mesa.hmp.Syet.OP to the max!
Ayoko din naman yung straightforward slash NAGPAPASIKAT na biglang magpapakilala sayo tapos feeling close na kaagad.Tina-try ko nga yun eh, baka kahit papanu, maging mukhang prendly ako.Kaso, kinikilabutan talga ko eh.Feeling ko kasi, nangagampanya ako pag ganun.Wla naman akong planong sumali sa pulitika in da par pyutyur, kaya di ko na kelangan praktisin yun.Pero di naman ako unfriendly o snubbish.Kinakausap ko naman yung mga nakakatabi ko sa klase ah.Nakikipagcommunicate kahit papanu.(para tulungan nila ako sa exams…hehehe).Sana pwedeng bumili ng mga digitalized classmate a.ka. chaperone slash alalay semi-colon robot, at nang may karamay ako ngayon.Kahit ngayon lang.(desperada mode).Para di mahalatang kanina pa ko naiinip at gusto ko na yatang i-adjust ang orasan sa skwelahan sa hyper na kainip-inip na moment na ito.
Ganito ang eksena ko kanina pa.Bukas ng notebook na kunwaring may binabasa sa mga blangkong linya.Inom ng C2.Maya-maya, kinuha ang cellphone sabay text, tapos inom na naman ng C2.After a few milliseconds, chi-neck ang cellphone kung may nagreply ba.Wala naman pala.Ito ang mga nangyayari sa mga tulad kong hindi nagrereply sa mga taong nagtitxt sa kanya. Kelangan mo na ng katxt ngayon ha, Random?! Manigas ka! …huhuhuh.Makainom na nga ulit ng C2.Check ulit ng blankong notes.Inom ng C2 ulit.Kuha ng cellphone, …..bakit kahit anong pindot ko wala na kong makitang letra sa LCD screen?????!!! (lowbat ka na, tanga!).Napalagok ako ng C2.Muntik na maubos ang C2, buti may natira pah.Wala na nga ang cellphone ko, mauubos pa tong C2.Panu na ko ngayon???
Tutunganga nlng ba ako didto.1:11 pm na.1:30 pm ang klase ko.Should i get ready for the Tuod Position for 19 minutes????..OHHH NOOOO!!!
O C2, please wag ka muna maubos.Ayokong maglakad ulit para bumili ng bagong bote ng C2.Pamasahe nlng naiwan sa bulsa ko ngayon.Huuhuhuhuhu.
Kung pwede pati bote mo,sisipsipin ko, wag lang ako magmukhang engot dito na nakatulala sa langit at naghihintay ng snow sa Pinas.Alangan naman bumungisngis ako sa mga dumadaan ng mga studyante???!!! Eh di mas engot ang dating nun?!
Naisip ko, kahit alin man dun ang gawin ko.magmumukha pa rin pa la akong tanga.Tsk.
Tagal ng 1:30 pm ah…
Filed under: Uncategorized | 3 Comments
Pagbabago
ika nga…kahit anong iwan ang gawin…may bumabalik pa rin.depende yun kung ikaw ang bumalik o yun talaga ang bumalik sayo…
tulad ko..bumabalik ulit dito..heheh..welkam pa kaya ako???
klase na pala bukas…kelangan kong magising 7 am kasi may klase ako 8:30 am.Matatapos ang lahat ng mga classes ko, 3:30 pm.Waw, studyante na ko ulit?!!!! KantBelebet!Pagkatapos ng school, di pa ko pwede umuwi Kasi galing school, derecho opisina kagad ako para magtrabaho.Guess what kung anong oras ako lalabas???…ALAS DOS NG UMAGA.Kaya walan talagang lakwatsa…. na syang tunay na layunin ng karamihan sa mga studyante ngayon.
Titser: bakit kayu nag-aaral??? Di ba para matuto kayo???
Studyante (thinking aloud): mmmm…maybe…bahala na nga!! ang importante…may pangsine at pang gimik kami..oh di ba….kewl.
sa mga batang (like me) na nagbabasa nito, wag sundin ang halimbawang nasa itaas…bad yan.Di ko na yan ginagawa ngayon.*bungisngis*
Nwei, lumalayo na tayo.gusto ko lng ilabas ang isang masamang hanging habagat na nagbabanta ng bagyo ngayon sa aking puso (tsar).hehehehe.ek-ek lng.
Naisipan ko lng magliwaliw sa friendster account ko.Once in a while nlng talaga kung bisitahin ko yun.Parang itong blog ko, once in the blue moon nlng din.O anong konek ng prenster??
Ganito yun, di ba may minahal (lalem ah!) ako nun na isang bagets na akala nya “bespren” ang turing ko sa kanya kasi “bespren” din turin nya sa akin??? yun bang 3 years younger sa kin at 4 years (ata) ko ring minahal???Yung bang pilit kong iniiwasan na makita ang picture nya sa frenster account ko??? Dahil alam ko, bibisitahin ko na naman account nya at magmumukhang trying hard sa kakatunganga at kaiiisip kung magko comment o hindi? At pag may nakita kong may bagong chiching sya na kasama sa pic ..eh…napapaiyak ako??? at bakit ako naiiyak eh wala naman akong karapatan…di nya kaya alam na may feelings ako sa kanya!!! nakakahiya yun… Aabutin ng ilang oras bago makapagdesisyong ilang beses nang nagawa at nabigo…”This is the last time that i will visit your account”…utot mo, random.Sino ba kasi sya??? Bakit ba naging ganyan ka kagaga sa kanya???
Sya ang akala kong gwapo na hindi naman masyado pero in the end, minahal ko for 4 years kasi mabait at …wokei, gwapo sya….Sya ang unang naglakas loob na samahan akong tumakas sa barkada namin pareho, to spend time alone..kaming dalawa lng.Ewan ko kung may dating sa kanya yun, pero sakin meron eh.(kita nyo na kung saan umaabot yung mga misinterpretations???hehehe)Sya din yung katabi ko natulog sa isang maliit na couch sa internet cafe nun.Nagsiksikan kaming dalawa dun sa maliit na couch na yun at nakatulog kami kahit papano. Sya yung sinubuan ko ng “ewan kung anong pagkain yon-diko na matandaan” at napagkamalan kaming magsyota.Ayoko sana gawin yon….kaso mo, naglalambing na naman.In short, nahulog ang loob ko sa kanya dahil malambing din sya.Mahirap man aminin, pero kelangan.Kahit man lng sa sarili ko.
At aminin na nating ganun din sya sa mga kasama nyang chiching ngayon.Samakatwid, “panlalambing” ang tawag ko nun sa mga ginagawa nya.Ngayon, alam ko na ang tamang term…”flirtations” pala ang dating nun sa kin.At sa mga ka-edad nya???? aba, mas malinaw pa sa tubig na Nature Spring ang mga ganung klaseng friendly lambingan “kuno”.Haha,Bitter ??? Hindi kaya.Gusto ko lng meron makapagpapaalala sa kin na minsan,….tumindi ang pagmamahal ko ….di dahil sa mahal ko sya o kung anu man…. kundi …dahil inaalagaan ko ang nararamdaman kong yun at hinayaan kong masaktan ako kahit alam kong kahibangan lng ang lahat.
E bakit susulat-sulat ka pa tungkol sa kanya kung wala ka na rin palang nararamdaman sa kanya ngayon? Eh bakig nag-comment ka pa kanina kung sabi mo noon, di mo na bibisitahin ang profile nya? May nagbago ba?
Meron.
Wala lng, gusto ko lng siguraduhan na hindi na ako “in denial stage” ngayon.Gusto ko siguraduhin na kung may nasulat man ako sa kanya noon o ngayon..o kung winasak nya man ang puso ko ng hindi nya alam, kung nasayang man lng ang mga luha ko nung mga gabing ayaw akong patulugin ng mga lab storis na pinapanood ko habang nasasaktan kasi hindi mangyayari sa aming dalawa yun, sa twing naiinis ako sa kantang “when you’re gone” by Avril Lavigne, sa tuwing pumaplasbak lahat ng mga “flirtations” nya sa kin, lahat ng kabaitan nya (kasi actually mabait naman talaga sya),kung umaasa-asa man ako na magkita kami muli at yayakapin nya ako ng mahigpit kahit “as friends” lng, kahit walang katuturan ang mga pantasya ko sa kanya…..
ang naiba ngayon…kasi wala na ang sakit, ang hapdi at ang sugat..kahit peklat yata, wala na eh.
Masaya na kong nagcomment sa profile nya..sabi ko “bird’s nest hair” ang style ng buhok nya ngayon.Kabataan nga naman oh.
oi, narealize ko din, ang chaka pala nya sa gupit na yon. (bungisngis).Tsaka ang laki ng tyan ya.hahaha.pis!
Kahit ano pang sabihin ko, parang ayaw ko na ipost kasi parang walang saysay to eh…
Kelan pa kaya nagkaroon ng saysay ang mga blog ko????…haha.yun ang hindi nagbago!
Filed under: Senti Habits, let's be InLaB | 2 Comments